pagmamahal ng tao ay mahalaga
alaga ito ng binata't dalaga
ito ay kailangan ng bawat isa
upang hindi tayo mapag-isa.
dito din umuusbung mga hidwaan
na umaabot na sa patayan
peru ito ang nagpapabuhay sa patay
patay na pusong nasaktan ng tunay.
pag-ibig ay isang gayuma
sa mga taong manhid at di-makakita
sa mga taong nagmamahal sa kanila
na higit pa sa kanilang inaakala.
pero bakit ito'y hindi ko madama?
pag-ibig ba sa akin ay di-maakma?
peru bakit kung itoy nakakatulong,
bakit hindi ako hayaang malulong?